Thursday, April 27, 2006

A FAREWELL MESSAGE FROM THE FORMER PRESIDENT OF SAMASKOM

SWABENG FAREWELL
ni Megan Leung (SAMASKOM President, AY 2005-2006)


Biruin nyo nga naman, aalis na lang sya pati blog ng SAMASKOM pinatulan nya pa. Eksenadora talaga! Mass Comm nga.

Natatandaan ko nung first year pa lang ako…Nananahimik ako sa classroom (Oo, tahimik kasi ako dati) tapos bigla akong pinatawag sa CAS Office. Sabi ko, wala akong ginagawa ha! (Oo, mabait kasi ako dati) Akala ko kung anong gusto nila sa akin, gagawin lang pala akong editor ng CAS Ideas. Hindi ko alam kung bakit ako. Siguro nagandahan sila sa handwriting ko kaya naisipan nilang swak ako para sa posisyon.

Simula noon napako na ako sa mga pa-dyaryo dyaryo – “campus papers” ika nga nila. Doon ako namulat. Ang dami kong nalaman – mga bagay na dapat malaman at mga bagay na ‘di na dapat malaman pero inalam pa rin. Madalas noon naiisip ko tama nga si Jerry: Curiosity killed the cat.

Buti na lang hindi ako naging pusa.

Doon ko rin napagtanto na ‘yung “dream job” ko na maging dyarista (journalist) eh isang bangungot pala! Biruin mo, habol ka ng habol sa mga tao. Minsan nga nakarating pa ako ng Arayat para mabuo ‘yung isang storyang pinatay lang ng editor ko. Tinrangkaso ako sa sobrang tuwa.

Noong nagtagal, naisip kong mas ok pa palang mag-interview sa Arayat kaysa buong linggo kang nakaupo sa harap ng computer, katabi ng lay-out artist na allergic sa pabango mo.

Noong medyo tumagal pa, mas gusto ko nang umupo sa harap ng computer katabi ng lay-out artist na allergic sa pabango ko ng isang buwan kesa mag-edit ng mga storya ng mga kasama ko sa dyaryo. Dinudugo mga mata ko sa grammar nila!

Pero sa kabila ng lahat, hindi mapapantayan ng mga trangkaso’t luhang dugo ang mga bagay na natutunan ko, mga lugar na napuntahan (seminars) at mga taong nakilala (interviewees) – dagdag “connections” din ‘yon!

Gayun pa man hindi ko ninais na magtapos nang puro “by-line” lang ang maipagyayabang, kaya nangampanya akong maging presidente ng SAMASKOM. Aba, akalain mo nga naman, ang dami kong nabola!

Hindi malakas ang loob kong magsalita sa harap ng maraming tao. Pero dahil sa SAMASKOM, napilitan ako. Kailangan kong panindigan ang kakapalan ng mukha ko. Ok naman pala! Masaya palang ume-eksena.

Syempre marami ding nag-alboroto sa pamumuno ko pero “aww..shucks” naman ang feeling noong sumabog ang blog ko Friendster dahil full blast ang suporta ng mga ABMC. May mga bagay na hindi ko naman pinagmamalaki pero hindi ko rin dapat pagsisisihan. ‘Yan kasi ang natutunan ko sa Mass Comm – kahit No Regrets, dapat may naaabsorb ka rin sa mga kamuritan, este kamalian mo.

Masaya ako dahil sa unang pagkakataon simula ng tumungtong ako sa MC eh magkakakilala na lahat ng year levels. Konti na lang ang isnaban at wala ng catfights. Tama lang ‘yon…’di naman kasi kayo mga pusa eh.

Sana batak uli ‘yung incoming batch at alagan ng mga seniors ‘yung mga lower levels. Siga kasi ‘yang batch nina Isa Mangune, nang-aaway ng mga bata. Hehe. Lab lab tamu dapat.

Para naman sa mga padating at mga ‘di pa katandaan sa MassComm, alisin na ang hiya. Dapat all-out lagi. Try n’yo sa dyaryo (campus papers) kahit wala kayong balak magtrabaho sa TikTik ka-graduate nyo. Sayang ang experience – masaya naman ang tinatrangkaso. Sulit.

Oyta. Apin na ita ing swabeng farewell. Mingat la kekayu.


***Nga pala, Tagalog Mode muna ako kasi englisero’t englisera na kayong lahat eh…Gusto ko namang maiba (habang uso pa si Bob Ong)!









Sunday, April 09, 2006

The ISPEL SEX group on their docu presentation


the group members:
AILEEN MANITI, NOLALYN CHRISTY LOPEZ, CATHERINE CABAYAO, and GHIA RIVERA

The KITIL group during their docu presentation



from left to right:
MA. ANGELA BUCUD, GUILLERMO PANTINO JR., GHIA SAMANTHA SANTOS, MARISSA DIWA, MA. LUISA RAZON, KARLA MAE SANTOS, SHEENA MARIE MALLARI, and CHARMAINE SANTOS

The LMRV group (ABMC IV) during the presentation of their docu titled PINTADOS

(from left to right):
Divine Grace Viscayno, Stephenie Roncal, Arlene Layug and Princess Manansala

CONGRATULATIONS to team B for a job well done!

MELFORD CUNANAN, ANNALOU DE LUNA, RENDDY ROSE RODRIGUEZ, JOYCE TANANA, RONA MARZAN, JOYCE ANN MATITU & JOOWON YOON
(TEAM B, ABMC II)
















Team B of our PR and Advertising class went to ACNHS-Special Science Class to market the three academic programs offered at the College of Arts & Sciences. And guess what, this group is another reason why Samaskom should be proud!

Tuesday, April 04, 2006

QUOTABLE QUOTES


"Teenagers who live without their parents usually don't get enough guidance and attention they need. So in school, most of them get low grades and by that, they engage in cheating and plagiarism in order to pass their subjects. Most of them are liberated and they are tempted to engage in pre-marital sex through the influence of the people around them which later results in teenage pregnancy and some lead to abortion because of unwanted pregnancy." -- PATRICIA KAYE C. BODINO
"Pre-marital sex and early pregnancy... let me term them on my own --the early `paradise orientation' and the early `baby exhibition.' These are fruits of lack of self-control or perhaps laziness to wear your condoms. Freedom is a matter of choice. But it doesn't end there. There's more to that rather than the `ah...ah...more...more...hush on bed.' Use your head. Use your freedom. Do not abuse your body." -- EDWIN RYAN B. DE LEON
Engaging in pre-marital sex won't make you "in." -- GYPSY SALAZAR
"I think sex is a wonderful thing. God created male and female and let them live together. However, even if it is from God, if we use it just for our enjoyment, God doesn't like it." -- OH, JU-SEON
"For me, morality should conquer love and not love conquering morality." -- MARIA ROLDELIZA GATUS